M
Disclaimer and Terms of Use
Saturday, March 19, 2005
"Nangangako ako, kahit na anong manyari, at ako sa puso mo. Habang tumitibok ang puso ko sa dibdib ko, habang may kaluluwang nananahan sa katawan ko. Ilang ulit na tayong nagkahiwalay, Alwina. Magkikita tayo muli. Mangyayari 'yon, Alwina. Palaging uuwi ang puso ko sa 'yo."
(2005 Mar 18 episode. copyright GMA Network Inc. All rights reserved.)
"Hindi pa ako nakapagpapasalamat sa 'yo, Veronica, sa biyaya ng buhay na ipinagkaloob mo sa 'kin. Sa hinaba-haba ng pinagsamahan natin, pareho tayong napilitang gumawa ng mahihirap na desisyon. Nagkahiwalay tayo, nagkasama ulit, nagkahiwalay. Pero sa kabila ng lahat nanaig pa rin ang pagmamahal natin sa isa't-isa, hindi ba? Ngayon, pareho na tayong ina. Higit sa lahat, ikaw ang mas nakakaintindi kung gaano kasabik ang isang ina na makasama ang kanyang anak. Mraming maraming salamat sa ipinagkaloob mo sa akin ngayon. Hindi kita makakalimutan."
(2005 Mar 18 episode. copyright GMA Network Inc. All rights reserved.)
"Minsan mo nang pinatunayan kung gaano mo ako kamahal ng tinalikuran mo ang pagiging diwata mo at iniwan ang Engkantadia. Hayaan mong ako naman ang magpapatunay ng pagmamahal ko sa 'yo. Kung kinakailangan kong magtiis sa pangungulila, gagawin ko, alang-alang sa 'yo."
(2005 Mar 18 episode. copyright GMA Network Inc. All rights reserved.)
"Hindi ito ang desisyon na dapat mong pasanin, Alwina. Ako na magpapasya para sa 'yo. Ibigay mo na kay Lourdes ang binhi. Ngayon lang niya natagpuan ang tunay niyang anak. At sa pagpapatnubay ni Bathala, ngayon lang siya makakatanggap ng pagmamahal na mula sa kanya. Ako, noon ko pa nalasap ang pagmamahal mo. Mawala man ako, panatag ako na hindi ka mawawalan ng magmamahal sa 'yo. Binabalik ko na ang kuwintas na binigay mo sa 'kin dahil baon ko sa pagpunta ko ang puso mo."
(2005 Mar 18 episode. copyright GMA Network Inc. All rights reserved.)
"Pero alam mo kung ano ang nakita ko? Nakita ko ang sarili kong kasakiman, sarili kong pagkabulag, ang pagkahungkag ng buhay ko. At kung nakalimutan mo, ipapaalala ko uli sa 'yo na walang katuturan ang lahat ng kapangyarihan sa mundo kung walang pagmamahal sa 'yong puso. At sa lahat ng kayang gawin ni ama, 'yon ang hindi niya magagawa."
(2005 Mar 17 episode. copyright GMA Network Inc. All rights reserved.)
Latest Topics
Surf safe and secure. Get Firefox now.
Mulawin Network
Mulawin Network Profiles
Mulawin Networkbjsg
djbrix
chynnachard/moderator
cynically hopeful
bluedove
asrai
South Rock
Quill Driver
streetsopper
adi_hiyas
Contributors' Personal Blogs
bjsgdjbrix
bluedove
asrai
South Rock
streetsopper
cynically hopeful
chynnachard/moderator
Quill Driver
adi_hiyas