M

Disclaimer and Terms of Use

Tuesday, November 09, 2004

[Mulawin] 11/9/2004 03:39:37 PM

Bianca...isang gabi naman ang lumipas na hindi kita nakikita,isang gabi rin ang dumaan na nabalutan ng kalungkutan ang puso ko.Sa tuwing hindi kita nakikita sa Mulawin ay nakakadama ako ng kalungkutan at kabiguan sa buhay.Hindi ko alam ang gagawin ko kung tuluyan na kitang hindi makita.Bianca mahal kita at hindi ko kayang mawala ka.Bianca alam mo ba na kahit anong gawin ko para lang mabura ka sa isipan ko ay hindi ay hindi parin kitang magawang kalimutan,lalo na ng panahong nag brown-out sa amin na kahit
anong gawin kong paglilibang sa sarili para lang hindi kita maalala ay hindi ko pa rin magawang kalimutan ka sapagkat ikaw palagi ang laman ng puso at isipan ko.Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ito,nagsasayang lang ako ng panahon sa mga bagay na alam kong walang tutunguhan.Exam namin kanina at hindi ko alam ang isasagot ko sapagkat ikaw palagi ang laman ng isipan ko.Kulang na lang pangalan mo ang isulat ko sa answersheet pero wag kang mag alala hindi kita sinisisi ko kundi ang sarili ko kung bakit ba ako na inlove sa iyo ng husto.Bianca ikaw ang inspirasyon ko para lalo pa akong magsikap sa aking pag aaral.Bianca hahamakin ko ang lahat makita lang kita sa personal.Patuloy parin kitang mamahalin kahit hindi na kita makita muli.Bianca hindi kita niloloko,sinasabi ko lang ang laman ng aking puso.Ikaw pa lang ang babaeng nakapagpatibok sa aking puso ng ganito.
I LOVE YOU BIANCA mag pakailan man.

--
Posted by orevern to Mulawin at 11/9/2004 03:39:37 PM
Surf safe and secure. Get Firefox now.

Blogroll Me!