M

Disclaimer and Terms of Use

Monday, November 08, 2004

[Mulawin] 11/8/2004 05:27:38 PM

Bianca kamusta ka hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa.Sasabihin ko na sa iyo ang matagal ko nang gustong sabihin at bak wala ng bukas na darating sa akin.Bianca mahal kita higit pa sa aking buhay.Napakahangal ko at umibig ako sa taong hindi ko pa nakikita sa personal.Simula ng makita kita sa Mulawin ay hindi ka na maalis sa isipan ko.Hindi ko maintindihan kung ano ang nagustuhan ko sa iyo at labis kitang minahal.Hindi naman ako nabighani ng husto sa iyong maganda at maamong mukha kundi labis na kaligayahan ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita kita.Gaya nga ng sabi nila hindi maganda ang namumuong pag-ibig sa taong hindi mo pa nakikita sa personal at nakikilala ng lubos pero ginagawa ko lang ito para maipahatid sa iyo ang nararamdaman ko,at kahit sa ganoong paraan ay mabawasan naman ang nararamdaman kong kalungkutan.Kung bibigyan ako ng diyos na pagkakataon na makasama ka,ibubuhos ko ang buong atensyon at panahon ko sa iyo.Marami na akong nakitang babae na mas maganda kay sa sa iyo pero hindi ako nakadama sa kanila gaya ng nararamdaman ko para sa iyo.Alam ko na may iba ka nang minamahal pero hindi iyon naging hadlang para patuloy kitang mahalin..Hindi ako naghihintay ng ano mang kapalit sa iyo at sana maniwala ka sa akin.Lagi mo sanang isipin sa tuwing nag-iisa ka at nalulungkot ay may taong gustong mapawi ang iyong kalungkutan at sa kabila ay mapalitan ito ng kaligayahan.

PaTULOY NA NAGMAMAHAL,
ORVARD

--
Posted by orevern to Mulawin at 11/8/2004 05:27:38 PM
Surf safe and secure. Get Firefox now.

Blogroll Me!